Tuesday
January 10,2012
11:13 AM
Naiinis ako! Maraming bagay ang kinaiinisan ko.
1. Aftershock pa ng pambabastos ni billy sakin kahapon. Ang bastos talaga ng bibig niya! nawili. but then, i'm not the type of person na makikipagsagutan ng todo at susungangain sya. sabi nga ni papa sakin nung nabubuhay pa siya "ikaw ang matanda, ikaw na ang mag-adjust" . alam mo yun, kahit ang hirap hirap gawin, sige lang. tsaka di naman kayang solusyunan ng pakikipag away ang pambabastos niya, sabi ko nga sa facebook ko, di ko tatapatan ang level ng kabastusan dahil hindi ako gaya niyang bastos. tapos, pag uwi pa kagabi, panibagong sense of kabastusan sa ATE? eh bat pa ko tinawag na ATE kung di lang din naman siya marunong gumalang? sasabihin niyang hindi ako kagalang galang? bakit? sabihin niya lang kung bakit at nang malaman ko kung bakit. kaya magtigil siya! kung di lang dahil kay mama, baka matagal na ko umalis dito.
2. Mga problema sa bagong church. Settled naman na ang lahat nung Sunday. Oo, pinangaralan na nga kami dba, so settled na. Eh bakit ganun na may mga naririnig akong hindi magagandang bagay. Tho' it's not about me, it's about my kapatid in faith. Sino ba ang judgemental? Sino ba ang mahilig manghusga agad? Sino ba yung mahilig magbitaw ng mga statement ng mabilisan eh wala pa namang alam? Weh. nakakahiya naman na sasabihing kami ang judgemental, eh nagtatanong lang naman kami, at ang bagay na tinatanong namin eh ONGOING na. Tsaka, magaling magsalita na "iresponsable" , "matigas ang ulo" , "baluktot ang katuwiran" , at kung anu ano pa, eh sarili niya, nakita niya ba? HELLO! HELLO?!?!?! Pero sabi ko nga, SETTLED NA. SETTLED NA!! Kung may mga bagong darating pa, ewan ko na lang kung nakanino ang problema. haha! ;)
3. Hindi ko alam kung bakit sangrekwa ang langgam dun sa higaan. Nakakainis! magigising ka na lang dahil may world war 3 na pala, ikaw vs. isang pulutong ng langgam. In the first place, nagpaalam ba sila na susugod sila? Di nga sila nagpaalam na makikiraan sila. bastusan to teh? eh. gara lang! tapos, gusto ko ng tinapa kasi ang sarap sarap ng amoy, biglang wala na yung nagtitinda. BADTERP ITECH! Then, umalis na lang si sis ng ganun. Nakakainis kaya. Mahirap ba sabihin ang dahilan kung bat nagmamadaling umuwi? Pero, nag sorry naman na sya. Tatanggapin ko ba? haha! joke lang. Of course, di naman ako mataas na tao para di ko tanggapin ang sorry niya. LOVE YEAH SISTER! :D
4. Pera. Pera. Pera. Lahat ng tao namomroblema tungkol sa pera. Nakakainis lang, nakalubog na nga ko't lahat, wala man lang tumutulong para hilahin ako paahon. Feeling ko, tinutulak pa ko pababa sa kumunoy ng utang! Grrrr.. Nakakainis. Ang dami ko plans, ang dami ko gusto gawin, natitigilan ako dahil wala akong PERA ! hay naku.. kaya i swear, mag aaral akong mabuti at tatahakin ko ang landas na gusto ko, para maging successful sa buhay. Ayokong dumating yung time na ang mga anak ko naman ang mag suffer ng pinagdadaanan kong ito. Ayokong makita ang future kids kong nagiging hilong talilong dahil lang sa kakahagilap ng pera. Heps! Di ko sinasabing yan ng ginagawa sa akin ng mother ko. Sinasabi ko lang na ayokong maranasan ng magiging anak ko ang bonggang poverty. haha! well, sino ba may gusto? ;)
5. Lastly, sa ngayon, naiinis ako sa katabaan ko. Di ko na maisuot mga damit ko dati. Alangan namang bumili pa ako, eh wala nga akong PERA!!! grrr... Simpleng exercise, tinatamad ako. Diet naman, aatake lang ulcer ko. Gym, wala naman akong attire na appropriate sa gym. Pano, ang kaisa isang jogging pants ko, sinuot ni mother. Magka size ba kami?!?!?! Syempre, super luwag na nun. Hirap naman magbuhat weights biglang *star* kasi nakita na ang biyaya mo. Wew! At, kailangan ko ng headset para makapag apply na ko sa homebased job, eh wala ako pambili. Hay naku! Buhay is life, life is problem, therefore, buhay is problem. Smile! :)
Salamat na lang ng marami kasi may JESUS ako sa puso ko. May nalalapitan at naaasahan ako, napagkakatiwalaan pa. Unlike the Black Nazarene na pinarada ng bongga kahapon, buhay na buhay ang JESUS ko. Di ko kailangan masaktan, matapakan ng mga tao, magpakasakit, at halos mamatay, makalapit lang sa Kanya at makahingi ng lunas sa bawat karamdaman ko. :)
♥ Ahnne ♥
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento