Sabado, Disyembre 22, 2012

Saturday
December 22,2012
11:30 pm

It's been a while, again. Ang tagal naging idle ng blog ko. Masyado akong na-busy with some other things kaya di ko na naasikaso ang blog kong to, plus the fact na mas gusto ko magpost these past few days sa tumblr blog ko. [yeah! i know.. dami kong blogs noh?! pero plagiarism is not being practiced. hehe! ]

Yesterday was the so-called dooms day, dahil sa ginawang conclusion ng mga mayans, thousands of years ago [or hundreds? i dunno!], pero yung pangyayaring nagising ka kinabukasan at nakita mong maganda ang sikat ng araw is the greatest proof that nobody can tell when will the world end, si GOD lang talaga.
Lord, thank You for this day, onwards. Alam kong maraming natakot sa 12-21-12, at marami ang naniniwala, but You've proven us that You're the only One who knows everything, kaya maraming salamat po!

Today, December 22, "quite special" day for me. 6 years ago, on this date, sinagot ko ang isang lalaki, kung saan, siya ang una kong boyfriend, technically [hehe!].. Pero hindi yung memory of him ang special. Ang special for me is yung fact and experiences ko dahil sa decision na ginawa ko noong December 22,2006. I know I made a big mistake, but then GOD never left me. Sa kabila na sinuway ko Siya, di Niya ako hinayaan. Nang dahil sa pagkakaroon ko ng boyfriend, na naglast ng 14months, marami akong natutunang mga bagay sa buhay. I learned how to be tough, how not to depend everything sa guy [or kung maging asawa man sya], how to face the realities of life, how to do things on my own, at marami pang iba! Idagdag pa yung MATUTONG MAKINIG AT SUMUNOD SA MAGULANG AT SA WILL NG PANGINOON. Eh dahil sa katigasan ng ulo ko, nasaktan lang ako. Masakit kung sa masakit, but I think it's useless kung pagsisisihan ko lang ang mga bagay bagay na nagawa ko na at matagal nang tapos. At least madami akong natutunan, at nakita ko kung paano akong sinagip ni GOD from a situation na nakikita Niya ang kahihinatnan. Siguro nakikita Niya na papalubog ang patutunguhan nun, so before pa ako tuluyang lumubog, He reached for my arms and pulled me back to Him. Masarap pala sa pakiramdam na makawala ka sa isang bagay na nakakulong ka sa sakit. Hindi ako nag eemote, totoo ito. Alam ko, maraming mga kabataang kristiyano ang dumadaan ang pagsubok sa kanilang lovelife, yan ang paboritong gamitin ng kaaway eh. Ika nga, weakest point ng mga youth ang lovelife, at feel na feel namang tirahin ng kaaway. Kaya dapat, tayong mga kabataan ay naka focus sa salita ni GOD. He wants the best for us, most especially pagdating sa lovelife. Hindi natin kailangan madaliin yan. Darating at darating ang inilaan ni LORD na maging kapartner natin in life, we just have to wait. Remember, patience is a virtue. At kapag dumating na ang will ni GOD para sayo, everything is nothing but JOY and/or HAPPINESS. Stay put lang kapatid. Kalma lang. Darating ka din dyan. I'm telling you, masarap nga makawala sa isang masakit na karanasan, pero mas masarap kapag hindi mo na dinanas ang masakit na karanasan dahil natuto kang sumunod sa kalooban ng Panginoon sa buhay mo.

And sa age kong to, 24, i'm still not in a hurry na pumasok sa isang relationship. To be honest, naiisip ko rin ang mga bagay bagay na yan, pero alam kong GOD is preparing everything. There'll sure come a time na makikilala ko rin ang will Niya para sa akin. Ewan ko, baka kilala ko na rin pala siya, pinapaganda lang muna ni LORD ang magiging kwento namin [meganon!? hehe..] but i'll just wait for HIS blessing.

Salamat sa date na to, naliwanagan ako pagdating sa usapang love. ♥


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento