Huwebes, Abril 10, 2014

April 11,2014


Minsan talaga, mas gusto mong tumahimik lang, magmuni-muni, sarilinin muna ang problema, mag-isip isip, hanggang sa magutom ka't antukin. Hindi ko alam kung ano exactly ang problema ko, pero I just felt like that a few moments ago. Nalulungkot ako sa hindi malamang dahilan. I feel sleepy. zzzzzzzz! Oo nga, inaantok na ko. Para kasing di na magtugma mga sasabihin ko. mehehehe! (--,)v


Everytime na nakikita ko ang grad pic ko, napapaisip ako kung ano na ba nangyari sa akin? May nabago ba? Para kasing wala. 4 years na akong graduate pero unang una, hindi ako RN. Tapos, I never stayed in 1 company for a year, pinakamahaba na yung 8mos. Then, nagtagal nga yung business ko before I entered the "working stage" pero super struggle ang na-experience ko. Ngayon, UFO ako, kakarampot ang pera sa bulsa, hindi makatulong sa pamilya. Wew. Hindi sa minamaliit ko ang sarili ko, pero gusto ko personally i-criticize ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero kapag nada-down ako, feeling ko yun yung nagiging motivation ko. (ehehehehehe!)


But then, kung sa aspetong financial eh wala PA akong pag-asenso, pagdating naman sa usaping emotional maturity, palagay ko ay may pag-asenso ako dahil masasabi kong sa bawat pangyayaring naranasan ko, natuto ako, at patuloy na natututo.


Oo, tama nga na hangga't hindi mo nararating yung point of "failure", mahirap kang matuto sa bagay na gusto mong matutunan, at kung ang destination mo eh yung mountain of success, laging andyan yung checkpoint of failure, imposibleng wala.


Ang mahalaga lang, kung alam mong nagkamali ka na sa diskarte A mo, wag mo nang ituloy, wag mo nang ulitin, wag mo nang balikan. Hangga't kaya mong gumawa ng diskarte B - Z, gawin mo, at kung sa diskarte Z ka naging matagumpay, ipagpasalamat mong naging matagumpay ka na, marami ka pang natutunan along the way.


And of course, wag na wag kakalimutan si God dahil mas matamis ang tagumpay kapag si God ay kaagapay. Inaamin ko, hindi ako nakakapag church, matagal na panahon na, at alam kong malnourish na ang Spirit ko dahil hindi naman regular ang devotion ko (pati prayer. eewww! kakahiya!) , pero I always ask for God's guidance dahil ayokong malihis ng landas. Hindi ko masabing backslider na ako, pero alam kong yan ang iisipin ng taong makakaalam na hindi ako nakakapagsimba, pero wapakels. Alam ko ang dahilan ko, pero di mo alam ang dahilan ko. :p Isa pa, paano ang mga nasa church nga at twing sunday nagsisimba, pero sunday lang sila ganun at the rest of the week eh matulis pa sungay nila sa unsaved? wew.


ehehehehehe!
xoxo,

Ahnne (^,^)V

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento